Wednesday, May 20, 2015

Komisyoner na nambiktima sa anim na bakasyunista nitong nakaraang linggo, pinaghahanap parin

Posted May 20, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for illegal commissioner sa BoracayPinaghahanap parin ngayon ng mga taga Boracay PNP ang komisyoner na nambiktima umano sa anim na bakasyunista nitong nakaraang linggo.

Kasabay nito, nabatid mula sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center na dati na rin pala umanong nambiktima sa mga turista sa isla ang komisyoner-suspek na si ‘Greg’.

Napag-alaman din na hindi umano totoo ang apelyedong ginamit nito nang makatransaksyon ang mga nagreklamong bakasyunista na pawang mga taga Quezon City.

Magugunitang nagreklamo ang mga nasabing bakasyunista nang tinakasan umano sila ng komisyoner dala ang P6, 800.00 mula sa kabuuang P11, 400.00 na bayad sa mga activities nilang kinuha.

Giit pa ng mga ito, hindi pa natatapos ang kanilang activities subali’t hindi na rin nila makontak ang nasabing komisyoner.

Samantala, nabatid na patuloy namang tinututukan ng mga kapulisan ang isla ang pagsugpo sa mga illegal na komisyoner at pakalat-kalat na vendors.

No comments:

Post a Comment