Posted May 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Siyam na mga bisiklita ang ipinamahagi ng Provincial
Government ng Aklan sa mga sundalo sa Boracay para sa kanilang beach patrol.
Ayon kay Captain Lord Laurence Medina, 12th Infantry
Battalion (12IB) civil military officer, ang ibinigay umanong bisiklita sa Army
beach patrol group ay para matulungang ma-protektahan ang mga turista at
residente sa lugar.
Nabatid na ginanap ang pag-turn over ng mga biskilita
para sa mga Philippine Army nitong Mayo 16 sa ABL Sports Complex sa Kalibo,
Aklan kung saan nagkakahalaga naman ng P15,000 bawat isa.
Sinabi pa ni Medina na ang naganap na-turnover ay isa sa mga
highlights ng Spearhead Troopers Unity Ride for Peace and Progress ng 12IB
based sa Camp Jizmundo sa Barangay Libas, Banga, Aklan.
Samantala, mismong si Gov. Florencio Miraflores naman ang
nag-abot ng mga bisiklita kay Major General Rey Leonardo Guerrero, 3rd Infantry
Division commander kung saan matapos nito ay pumirma naman si Miraflores at
Rep. Teodorico Haresco Jr. ng “Commitment for Peace.”
No comments:
Post a Comment