YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, May 22, 2015

History ng isla ng Boracay ibinahagi ni Usec. del Rosario sa mga APEC Delegates

Posted May 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay islandMismong si Foreign Affairs Undersecretary for international economic relations Laura Del Rosario ang nagbahagi ng kasaysayan ng isla ng Boracay sa mga APEC delegates.

Kung saan ikinuwento niya umano sa mga delegado kung saan nagmula ang sikat na pangalan ngayon na Boracay at kung paano ito naging kilala sa buong mundo bilang isang tourist destination.

Ayon kay Usec. wala pa umanong pangalan noon ang nasabing isla ng makarating at manirahan dito ang isa mga negosyante sa Boracay na si Lamberto Tirol kasama ang kanyang asawa na si Sofia.

Noon umano ay namamasyal si Tirol, na sinasabung isa sa mga kauna-unahang nanirahan sa isla sa may dalampasigan kung saan dito niya nakita ang malaking bula (bubbles).

Dahil sa pagkamangha umano nito ay tinawag niya ang kanyang asawa sa local dialect na “Acay! Hanggod ka bora!” kung saan dito na umano nagmula ang pangalang Boracay na ang ibig sabihin ay "darling bubbles."

Dagdag pa nito na ang "bora" umano ay bubbles at ang "acay" ay isang term ng endearment na ang kahulugan ay “darling.”

No comments:

Post a Comment