Thursday, May 21, 2015

Matapos magnakaw, babaeng miyembro umano ng ‘budol-budol’gang, timbog sa Boracay

Posted May 21, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Timbog ang isang babaeng miyembro umano ng ‘budol-budol’gang, matapos magnakaw kagabi sa isla ng Boracay.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, maghahanda ng kanilang hapunan ang nagreklamong si Jezrel Almero nang pinasok ng suspek na si Geralyn Mamar, 29 anyos ng Lapaz, Iloilo ang kanilang motor shop sa Sitio Cagban, Barangay Manoc-manoc.

Kinuha umano ng babae ang perang nagkakahalaga ng P6, 000.00 doon sa cash box at mabilis na sumakay ng trisekel.

Kaagad niya itong hinabol hanggang sa station 3 kung saan niya ito na-ispatan.

Suwerte namang nakahingi siya ng saklolo sa isang miyembro ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa lugar kung kaya’t naaresto ang suspek.

Narekober din ang perang nagkakahalaga ng P5, 760.00 mula sa kanya.

Samantala, nabatid naman mula sa Boracay PNP na isang miyembro ng ‘budol-budol’ ang suspek at nakapambiktima na sa isla ng Boracay.

Modus umano ng babae na magpakilala bilang supervisor, at saka kukunin ang perang kita ng biktimang establisemyento.

No comments:

Post a Comment