Saturday, May 23, 2015

Pagbisita ni Australian Trade Minister Andrew Robb, ikinatuwa ng PRC Boracay Life Guards

Posted May 23, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng PRC Boracay Life Guards ang pagbisita ngayong hapon ni Australian Trade Minister Andrew Robb.

Nabatid na kasama si Robb sa mga dumating sa bansa para sa APEC Ministers Responsible for Trade meeting, at dumating ngayon sa isla para bisitahin ang mga Australia-certified PRC Lifesavers.

Ang mga PRC o Philippine Red Cross Lifesavers ang sinasabing tanging professional team sa Pilipinas na sinanay ni safety expert at Australian Red Cross Volunteer David Field sa ilalim ng Australian standard.

Kaugnay nito, sa isang programang inihanda ng PRC Boracay, ipinamalas ng mga life savers ang kanilang mga natutunan sa pagliligtas ng buhay, partikular ang sa mga nalulunod.

No comments:

Post a Comment