Saturday, May 23, 2015

Mga asong gala sa beach front, nananatiling panganib sa mga turista sa Boracay

Posted May 23, 2015
Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Image result for asong gala sa BoracayNananatiling panganib sa mga turista sa Boracay mga asong gala sa beach front.

Malaya parin kasi ang mga itong namamasyal sa dalampasigan, sa kabila ng ordinansa, paalala at kampanya tungkol sa pagiging responsabling pet owner.

Ayon sa mga nakausap na residente ng isla, hindi dapat pinapayagang gumala ang mga nasabing aso, dahil nakakahiya at delikado din ito sa mga turista.

Ilang mga dayuhang turista din ang napapailing sa mga nakikita nilang asong gala, na maliban sa gusgusin, nanghahabol pa at dumudumi sa buhanginan.

Samantala, base sa impormasyon, nabatid na paminsan-minsan na lang nag-ooperate ang mga dog catcher sa isla ngayon.

No comments:

Post a Comment