Wednesday, May 20, 2015

Governor Miraflores, ibinida ang Boracay sa mga APEC Delegates

Posted May 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Binida ni Aklan Governor Joeben Miraflores sa kanyang welcome remarks ang turismo ng Boracay sa mga delegado ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na ang isla ng Boracay ay isa sa mga importanting tourism destination hindi lamang sa probinsya ng Aklan kundi maging sa buong bansa kung saan may malaking kontribusyon din umano ito sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi pa nito, na ang Boracay ay isa na ngayong country’s cruise haven matapos na makatanggap ng siyam na cruise ship visit nitong nakaraang taon base umano sa maiden visit mula sa world’s most luxurious cruise ship companies kung saan nitong 2015 labindalawang  cruise ship ang naka-eskudyul na karamihan ay Royal Caribbean.

Nabatid na ilan sa mga topiko sa APEC meeting sa Boracay ang tungkol sa turismo kasama na ang pangkapayaan, internet connectivity at iba pa.

Samantala, ang APEC Ministerial meeting sa Boracay ay magtatapos ngayong Linggo na nagsimula naman noong Mayo 10 taong kasalukyan.

No comments:

Post a Comment