Posted July 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay BICOO o Boracay Island Chief Operations Officer
Glenn Sacapaño.
Nakatakda itong pag-usapan sa pamamagitan ng pagpupulong
upang hindi maistorbo ang swimming area sa long beach ng isla.
Ayon pa kay Sacapaño, pinasumite na nila ng plano at
coding ang windsurfing at kite surfing association sa Boracay upang sila na ang
magkontrol sa mga private windsurfers at kite surfers sa kadahilanang hindi
umano nila alam ang kung saan sila pwede at hindi.
Samantala, sinabi pa ni Sacapaño na magrereport din ang nasabing
asosasyon sa mga taga Coastguard at Municipal Auxiliary Police upang ipaliwanag
ang kanilang sistema sa long beach.
Kinumpirma din ng administrador na wala pang ordinansang
nagre-regulate sa windsurfing at kite surfing activities sa isla.
No comments:
Post a Comment