Posted July 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sugatan ang tatlong Chinese National nang mabangga ang
kanilang sinasakyang sailboat ng isang motorbanca sa isla ng Boracay.
Basi sa report ng Boracay PNP, nagreklamo sa kanilang
tanggapan ang dalawang tour guide na kinilalang sina Li-YaJuan at Rodel Molina.
Ayon sa mga ito nagkakaroon umano water sports activity
ang kanilang walong guest na Chinese National na sakay sa sailboat ng mabangga
ng isang Motorbanca 50-meters mula sa shoreline ng Sitio. Bolabog,
Brgy.Balabag, Malay, Aklan.
Dahil sa nasabing insidente tumilapon ang walong mga
biktima sa tubig kung saan tatlo sa mga ito ay napuruhan at nasugatan na
kinilalang sina Li Guo Kun, 27-anyos na nagtamo ng gasgas sa kaliwang balikat
at si Guo Chun Hua Ya Rong, 57-anyos na nagkaroon ng sugat sa kaniyang noo habang si Chen
Ya Rong, 27-anyos ay nagtamo naman ng sugat sa kanang bahagi ng ulo.
Nabatid na sinaklolohan ang mga ito ng isang Sea Sports na
bangaka at agad na isinugod sa Boracay Hospital para sa karampatang medikasyon.
No comments:
Post a Comment