Posted
June 30, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Respeto.
Ito ang naging paalala ni Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish
Boracay sa kabila ng kanyang pagkadismaya sa pagnakaw at pagsira ng imahen ng
Our lady of Fatima sa sitio Din-iwid, Boracay nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Father Nonoy, isa umanong pang-iinsulto sa pananampalataya ng
mga Katoliko sa isla ang pagkuha at pagsira sa nasabing imahe.
Bagama’t kinumpirma nito na isang pampublikong lugar ang kinaroroonan
ng imahe, dapat parin umano itong igalang maging ng ibang relihiyon o sekta.
Nabatid na pagmamay-ari ng isang pribadong indibidwal ang imahe Our
lady of Fatima na inilagay sa bahagi ng bundok ng Sitio Din-iwid beach.
Magkaganon paman, may mga dumadaang deboto doon na nag-aalay ng
bulaklak o nagsisindi ng kandila sa imahe.
Sa ngayon, blanko pa maging ang simbahan sa kung sino ang kumuha at
sumira sa imahe ng Mahal na Birhen.
No comments:
Post a Comment