Posted July 5, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Miyerkules pa ng gabi nang magsimula ang kalbaryo ng mga
residente sa Sitio Bolabog dahil sa mabahong amoy.
Umapaw kasi ang manhole doon dulot ng ilang araw na
pag-ulan.
Dahil din sa mabahong amoy, napilitan ang ilang residente
na magtakip ng ilong upang hindi sumakit ang tiyan.
Si ‘Mang Ariel’, ilag taon nang residente sa gilid ng
binabahang kalsada ng nasabing lugar.
Nagdesisyon itong talian ng mahabang face towel at panyo
ang mukha ng kanyang mga anak upang hindi makalanghap ng mabahong amoy.
Samantala, apektado rin ang mga turista at mga galing sa
trabaho nang mapadaan sa lugar kagabi habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Binaha na naman kasi ang kalsada doon kung kaya’t
napilitan ang mga itong hubarin at bitbitin na lamang ang kanilang suot na
sapatos at lumusong sa baha.
Bagama’t may mga nagpapasimpleng nagtatakip ng ilong
habang naglalakad, hindi naman maiwasan ng ilan na mapailing dahil sa mabahong
amoy na sumasabay sa umaapaw na tubig mula sa manhole.
Dahil sa sitwasyon, napatanong na naman tuloy ang publiko
sa isla kung kumusta na ang flood control project ng TIEZA o Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority na sinasabing solusyon sa mga
nararanasang pagbaha sa main road at ilang access road sa Boracay.
Nabatid naman na abala ngayon ang LGU Malay at iba pang
ahensya sa isla sa pagpapatupad ng mga batas kaugnay sa pangangalaga ng front beach at paghahanda
para sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation ministerial meeting 2015.
No comments:
Post a Comment