Posted July 3, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
www.skyscrapercity.com |
Binabayaran umano ng DPWH o Department of Public Works
and Highways ang mga residenteng nadadaanan ng widening project.
Ito ang sinabi ni Provincial Engineer’s Office Planning
Department Engineer Fritz Ruiz, kaugnay sa DPWH road widening project sa
highway ng Calimbajan, Makato at Tamalagon, Tangalan, Aklan.
Ayon kay Ruiz, binabayaran ng pamahalaan ang mga propidad
ng mga residente na tatamaan ng project na pasok sa 20 meters ng widening lalo
pa’t nasa batas ito.
Samantala, patuloy din umano ang kanilang pagmonitor sa
nasabing proyekto bilang bahagi ng paghahanda para sa APEC o Asia-Pacific
Economic Cooperation 2015.
Kinumpirma din Ruiz na may mga widening project proposals
pa sila para sa ibang lugar sa probinsya ng Aklan katulad ng Altavas at Banga.
No comments:
Post a Comment