Posted July 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Non-stop sa ginagawang monitoring ang Department of Trade
and Industry (DTI) Aklan sa mga pamilihan sa probinsya.
Ito’y kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin
katulad ng bawang, bigas gatas at iba pang pangunahing bilihin.
Ayon sa DTI Aklan linggo-linggo silang nagsasagawa ng price
monitoring para matukoy kung may mga pamilihang nagpataas ng presyo.
Mahigpit din nilang ipinapatupad ang suggested retail
price (SRP) para maiwasan ang dayaan o pag-imbento ng presyo.
Maaari din umanong maharap sa ibat-ibang penalidad ang
mga tindahan na nagpasobra ng presyo kahit walang pahintulot mula sa kanilang
tanggapan.
Higit namang umaaray ang mga mamimili dahil sa pagtaas ng
presyo ng mga bilihin sa merkado lalo na at ang mga higit na kailangan sa
pang-araw araw ang tumataas.
Samantala, tatlong beses rin sa isang linggo ang
ginagawang monitoring ng Department of Agriculture( DA) sa mga tindahan sa
probinsya kung saan ilan sa kanilang binabantayan ay ang presyo ng mga gulay,
karne ng manok at baboy at ilan pang produktong pang-agrikultura.
No comments:
Post a Comment