Posted July 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dalawang lalaki ang tinambangan ng tatlong hindi kilalang
security guard sa isla ng Boracay kahapon ng alas-5 ng madaling araw.
Basi sa report ng Boracay PNP, kinilala ang mga biktimang
sina Ricky Salvacion, 18-anyos ng Capilijan, Ibajay, Aklan at Kelvin Espiritu
24-anyos ng Brgy. Unat ng nasabi ring bayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na papauwi umano ang
mga biktima mula sa isang Bar kung saan sila uminom ng biglang may tatlong
hindi kilalang security guard ang lumapit sa kanila.
Nabatid rin na sa walang karason-rason ay pinagsusuntok
ang mga ito kung saan ang biktimang si Espiritu ay nawalan ng malay dahil sa
lakas ng natamo nitong suntok habang ang isa pa ay nagtamo rin ng sugat sa
kaniyang bibig.
Nagawa namang rumispundi ng mga pulis sa lugar ng
insidente ngunit bigo ang mga itong matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong
suspek na security guard.
No comments:
Post a Comment