Posted July 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakda na umano sa susunod na taon ang pagsasaayos at
pagpapagawa ng Tambisaan Port sa Brgy. Manoc-manoc.
Ito ang inihayag ni Brgy. Captain at League President
Abram Sualog, aniya, nagkaroon na umano sila ng pag-uusap ni Malay mayor John
P. Yap tungkol dito kung saan uumpisahan na ito sa susunod na taon dahil sa
ginagamit pa umano ngayon ang nasabing pantalan dahil sa Habagat Season.
Maliban dito pagtutuunan umano nila ng pansin ang
terminal area at ang bahagi ng natipak lupa sa nasabing Port na dinadaungan ng
mga bangka.
Nabatid rin na magdadagdag ng mga pasilidad para mapunan
ang pangangailangan ng mga pasahero lalo na ang mga turistang dumadaan dito.
Napag-alaman na matagal ng napag-usapan sa Provincial
Government at ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang proyektong ito ngunit naging
kumplekado ito dahil sa problema sa lupa at pondo na gagamitin.
Sa ngayon nagtitiyaga muna ang mga pasahero sa maliiit na
terminal area lalo na kung malakas ang buhos ng ulan dahil sa wala ring
masisilungan ang mga ito.
No comments:
Post a Comment