YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 02, 2014

Lalaking umano’y nagtutulak ng illegal na droga sa Boracay, timbog sa buy-bust operation

Posted July 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Timbog sa isang buy-bust operation kaninang madaling araw ang isang lalaking nagtutulak umano ng illegal na droga sa Boracay.

Sa pinagsanib na pwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Boracay PNP, sa Barangay Manoc-manoc, Boracay nahuli ang suspek na si Jackson Ferriol, 35 anyos ng Odiongan, Romblon.

Sa pamamagitan ng isang poseur/buyer, narekober ang isang transparent plastic sachet ng suspected shabu kapalit ng isang libong pisong marked money.

Nabatid na nauna nang nagsagawa ng matagumpay na buy-bust operation sa isla ang mga operatiba na naging daan upang mahulog din sa kanilang mga kamay si Ferriol.

Nasa kostodiya na ngayon ng Boracay PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment