Posted July 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Walang tigil kasi ang pagbuhos ng ulan kagabi hanggang
kaninang madaling araw.
Partikular na nakaranas ng pagbaha ay ang sa harap ng
Boracay Hospital kung saan ilang motorsiklo rin ang tumirik dahil sa kalahati
na ng gulong ang inabot ng tubig baha.
Maging ang kahabaan ng main road ng Brgy. Manoc-manoc
hanggang Balabag area ay nakaranas ng pagbaha na naging perwisyo naman para sa
ilang motorista lalo na sa mga turista.
Kabilang din sa mga binaha ay ang access road papuntang
Police Station kung saan halos wala nang madaaan ang mga tao.
Inaayos kasi ang nasabing access road kung kaya’t
tinambakan ito ng lupa.
Ang problema, hindi naman makadaloy ang tubig sa kanal.
Samantala, magugunita namang sinimulan ng TIEZA o Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang flood control project sa
Boracay subali’t hindi parin ito natatapos.
No comments:
Post a Comment