Posted June 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Pinoproseso na ngayon ang plano para sa mga
binabahang silid-aralan ng BNHS o Boracay National High School.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng paaralan nitong
Sabado sa ginanap na improvement Plan, kung saan pinag-aaralan na umano ito
ngayon ng Malay District Office at ilang ahensya.
Isa umano sa mga pinaplano rito ay ang pagtaas ng
flooring at ang pagpapagawa ng dalawang palapag ng mga silid-aralan para hindi
mapasok ng tubig-baha.
Nabatid na ang ilang classrooms sa BNHS ay pinapasok
ng tubig-baha sa tuwing malakas ang ulan dahil sa pagiging mababa nito.
Sadyang delikado rin para sa mga estudyante ang ilang
kawad ng kuryente sa paaralan na naaabot ng tubig baha.
Ayon naman kay BNHS Principal II Jose Niro
Nillasca, inaasahan nilang mabibigyan agad ito ng atensyon upang hindi na
maantala ang klase ng mga estudyante.
Napag-alaman na nakakansela ang klase ng mga
mag-aaral dahil sa kinakailangang pauwiin ang mga ito sa tuwing pumasok ang
tubig-baha sa kanilang silid-aralan.
No comments:
Post a Comment