Posted June 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling nadismaya ang ilang kunsumidor ng Aklan Electric Cooperative (Akelco)
sa muling pagtaas ng bill ng kuryente.
Ito’y matapos nilang matanggap ang kanilang bill nitong buwan ng Hunyo
na umabot ng P12.6067 mula sa P11.4298 per kilowatt-hour (kWh) bilang
residential consumers.
Samantalang ang Commercial at industrial establishments ay nagbabayad
naman ng additional na P1.1753 kWh mula sa P10.4850 kWh para sa buwan ng Mayo
hanggang P11.6602 kWh.
Higit ding apektado dito ang ilang residente sa isla ng Boracay kung
saan ayon sa kanila ay pabigla-bigla ang pagtaas ng bill na kung saan ay lagi
din umanong nararanasan ang brownout.
Samantala, nilinaw naman ni Rence Oczon, public information officer ng
Akelco, na ang dahilan umano ng pagtaas ng bill ng kuryente ay dahil sa cost ng
generation charges mula sa Akelco power suppliers, kung saan ang sistema ay
nawawala sa panahon ng buwan ng tag-init.
Maliban dito pinayuhan din ni Oczon ang mga electric consumers na
tumawag o bumisita sa Akelco main office o sa kanilang ibang opisina para
matulungan silang ma compute kung magkano ang na co-consumed ng kanilang mga
electricity appliances sa bahay.
No comments:
Post a Comment