YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 03, 2014

Lalaki sa Boracay, nagreklamo sa Boracay PNP matapos suntukin at sipain ang motor

Posted July 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay PNP Station ang 24 anyos na lalaki matapos na umano’y sinuntok at sinipa ang kanyang motorsiklo.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang biktimang si John Rey Pekit-Pekit habang nakilala naman ang suspek kay Ramon Baculinao.

Sumbong ni Pekit-Pekit sa mga pulis na habang minamaneho umano nito ang kanyang motorsiklo ay nakita nya si Baculinao na nakatayo sa harapan ng kanyang bahay.

Sa hindi malamang rason at walang probokasyon, kaagad umano itong sinuntok ng suspek sa mukha at ulo.

Hindi pa umano ito nakuntento sa kanyang pagsuntok sa biktima at sinipa pa niya ang motorsiklo ng huli.

Samantala, kasalukuyan namang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Boracay PNP Station hinggil sa nasabing pangyayari.

No comments:

Post a Comment