Posted July 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer In-Charge Tim
Ticar.
Aniya, patuloy ang kanilang pag-develop sa isla ng
Boracay bilang family-oriented destination para sa foreign at local tourist.
Nagkaroon din umano ng awareness campaign ang Philippine
National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD),
Department of Health (DoH) at ang non-government organizations para mapuksa ang
child sex trafficking na sangkot ang mga menor de-edad na babae sa isla.
Sinabi pa nito na wala umanong mga taga Boracay ang
kasali sa sex trafficking hindi aniya katulad ng ibang kababaihan na dumadayo
sa isla na dala ng mga turista na sinasabing engaged sila sa sex tourism.
Kamaikailan lang ay nagdikit ng mga sticker ang
Boracay Tourist Police sa mga pangunahing lugar at mga sasakyan sa Boracay
kontra sa Child sex tourism kabilang na ang pagsailalim sa kanila para sa
training tungkol dito.
Iginiit pa ni Ticar na ang ganitong gawain ay
nakakasira sa imahe ng isla ng Boracay lalo na at ang isla ay tinatangkilik sa
buong mundo dahil sa angkin nitong kagandahan.
Samantala, sa pangunguna ng LGU Malay ang Child sex
tourism ay mahigpit nilang binabantayan para hindi maipasok sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment