Posted
June 30, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakakaranas parin ng mahaba at nakakabagot na pila ang pasahero ng mga
bangkang dumadaong sa Tambisaan Port.
Pahirapan parin kasi ang pag-loading at unloading ng mga pasahero doon
dahil iisang rampa lang ang maaaring gamitin lalo na kapag low tide o mababa
ang tubig.
Sa kabila din ito ng pagtanggal ng mga malalaking bato sa paanan mismo
ng port na nagiging sagabal sa paglapit ng mga bangka.
Kaugnay nito, mismong ang mga CBTMPC o Caticlan-Boracay Transport
Multi-Purpose Cooperative at mga local na tour guide na rin ang nagtutulungan
upang mapanatiling maayos ang takbo ng operasyon ng port lalo na sa gabi.
Magugunitang pinatanggal ng LGU Malay ang mga nasabing bato upang hindi
maging sagabal sa operasyon ng pantalan, subali’t hindi maikakailang nagiging
problema naman ang low tide.
Samantala, magugunita ring natibag ang malaking bahagi ng nasabing port
nitong nakaraang linggo kung kaya’t kinordon na rin ito para sa kaligtasan ng
publiko.
No comments:
Post a Comment