YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 02, 2014

Resolusyon bilang pagkilala sa tagumpay ng Boracay All Stars nasa 2nd at final reading na ng SB Malay

Posted July 2, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasa 2nd at final reading ng SB Malay ang resolusyon bilang pagkilala sa tagumpay ng Boracay All Stars sa Dragon boat competition sa Kuta, Kinabalu, Malaysia.

Sa SB Session ng Malay kahapon ini-refer ni Malay Vice mayor Wilbec Gelito ang nasabing resolusyon kay SB Rowen Aguirre bilang Chairman ng Committee on Laws.

Nabatid na ang Boracay All-Stars ay nakakuha ng may pinakamabilis na oras sa qualifying race kung saan tinalo nito ang Tanjung Papat A, na nag-wagi noong 2012 at 2013 sa nasabing bansa.

Maging ang ilang team mula sa Boracay ay inaasahang mabibigyan din ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Malay dahil sa naiuwi ng mga itong karangalan.

Sa kabilang banda, kasali rin ang nasabing team sa ginanap na kumpitisyon nitong nakaraang buwan sa kauna-unahang Canoe Kayak at Dragonboat Championships sa Puerto Princesa kung saan hindi rin ang mga ito nagpahuli at nag-uwi ng medalyang ginto.

No comments:

Post a Comment