Posted July 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Umapela ngayon ng tulong si Barangay Balabag
Captain Lilebeth Sacapaño para sa Aklanon na itinanghal bilang pinakabatang
Chess Master sa Macau, China.
Kaugnay ito sa pagkapanalo ni Precious Day Ame
Yecla sa ginanap na 15th ASEAN Age Group Chess Championships sa
Macau China nitong June 4-11, 2014.
Ayon kay Kap Lilebeth, proud siya dahil malaking
karangalan para sa probinsya ng Aklan ang pagkakatanghal kay Yecla.
Kaya naman pinagawan nila ito ng streamer sa
Barangay Balabag bilang pagbati at pagkilala sa bata, maliban sa umano’y
financial support na ibinigay nito bago ang kompetisyon.
Magpupursigi din umano ang bata sa kabila ng kanyang
murang edad kung may tutulong sa kanya.
Samantala, nabatid na pinarangalan din ng
Sangguniang Panlalawigan ng Aklan si Precious Day Ame Yecla sa ginanap na 21st
Regular Session nitong nakaraang June 25.
Tinalo ni Yecla ang kanyang mga beteranong katunggali
mula sa Vietnam, China, Singapore, Mongolia, Korea, Malaysia at maging sa Pilipinas
sa nine-round Swiss system chess tournament.
No comments:
Post a Comment