YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 03, 2014

Ilog sa Brgy. Napaan apektado dahil sa itatayong Wind Turbine Project

Posted July 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Apektado ang ilog sa Brgy. Napaan sa bayan ng Malay Aklan dahil sa ginagawang Wind Turbine Project na nagsimula ngayong linggo.

Ito ang ipinaabot ni Petro Wind Power. Inc. Administrative/ Operation Manager Bennedick Vega sa kaniyang ginawang presentation SB Session ng Malay nitong Martes.

Aniya, ang ilog na pinagkukunan ng pangunahinmg tubig na maiinom ng mga residente doon ay apektado dahil sa kanilang itatayong Wind Turbine.

Magkaganon paman, sinabi din nito na may mga ginagawa na silang precautionary measures para hindi maapektuhan ang tubig sa dagat na nagmumula sa nasabing ilog.

Samantala, nabatid na sa kanilang ginagawang paghuhukay sa ilog ay nagkakaroon ng discoloration ang tubig na dumediritso sa dagat na maaaring umi-epekto sa beach area ng isla ng Boracay.

Sa ngayon umano ay naglagay na rin sila ng harang o salaan para hindi tuluyang maapektuhan ng maruming tubig ang dagat.

Ang nasabing Wind Turbine Project ay siyang ay inaasahang makakadagdag sa enerhiya na kakailanganin ng NGCP para sa Visayas grid sa susunod na taon kung saan ang malilikha na kuryente nito ay direktang mapupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

No comments:

Post a Comment