Posted July 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinabulaanan ni Aklan Vice Governor Gabrielle
Calizo-Quimpo ang mga akusasyon ni Sangguniang Panlalawigan (SP) Member Rodson
Mayor.
Sa ginanap na 22nd Regular Session ng SP
Aklan kahapon, sinabi ni Mayor na nagkaroon ng “betrayal of public trust” at
nilabag ng bise gobernador ang 30 days period na hindi dapat ma-interrupt ng
anumang aksyon ang mga referrals ng committee meetings/hearings, public
hearings, period of debates, amendments at iba pang mga dokumento na sakop ng
batas ng DILG.
Subalit, sinagot naman ito ng mga dokumentong hawak
ng bise gobernador bilang patunay na wala umano itong nilalabag na batas.
Samantala, nabatid naman sa privilege speech ni
Mayor na nais nitong paalisin sa pwesto si Quimpo upang maibalik umano sa mga
Aklanon ang kumpyansa sa gobyerno.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung sasampahan ng kaso ni SP
Member Mayor ang bise gobernador.
No comments:
Post a Comment