Posted July 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinasalamatan ng Boracay Foundation Inc. (BFI) ang
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan sa pagtugon ng kanilang position letter.
Kaugnay ito sa kanilang naging apela sa SP hinggil sa
bagong schedule ng Base Market Values.
Ayon kay BFI President Jony Salme, bagamat nasa 20%
hanggang 30% ang ibinaba sa bagong schedule ng Base Market Values sa mga Real
Properties sa probinsya, malaki na umano itong tulong para sa kanilang mga
stake holders.
Subalit, sinabi din nito na kung magkakaroon ng
pagpupulong kasama ang Provincial Assessor’s Office ay muli nilang hihilingin
na kung maaari ay babaan pa ang bagong bayarin sa buwis.
Sa kabilang dako, kung sakali naman umano na hindi
ito mapagbibigyan ay wala silang magagawa kungdi ang sundin ang panibagong Base
Market Values.
Samantala, ang bagong schedule ng Base Market
Values of Real Properties para sa 17 municipalities sa Aklan ay magiging epektibo
sa Enero 2015.
Kasama narin dito ang mga inaprubahan ng SP at
Provincial Assessor’s Office Na Special Base Market Valuation sa mga resort sa
isla ng Boracay at Metro Kalibo.
No comments:
Post a Comment