Posted June 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Itinuturing ng Department of Tourism (DOT) Boracay
na malaki ang naiaambag ng mga Muslim sa turismo ng Boracay.
Kaya naman, nagpaabot rin ngayon ng suporta at
mensahe ang DOT sa mga Muslim bilang pakikiisa sa paggunita ng mga ito ng
Ramadan.
Ayon kay DOT Boracay OIC Tim Ticar, nagpapasalamat
ang DOT sa mga Muslim na nagmamay-ari ng mga souvenir shops, kung saan malaki
din umano ang naibibigay na kasiyahan sa
mga lokal man o dayuhang turista.
Samantala, ang Ramadan ay isang kaganapang
pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa
kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur'an.
Ito rin ang panahon ng pag-aayuno o pag-iwas sa
pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw.
Nagtatapos naman ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari
Raya Puasa.
No comments:
Post a Comment