Posted July 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Inalerto ng BFRAV kaugnay sa pagdiriwang ng Fire
and Disaster Consciousness Month ang isla ng Boracay.
Ayon kay Hugh Raddi Isagan ng BFRAV o Boracay Fire
Rescue Ambulance Volunteers.
Pinatunog nila kaninang umaga ang sirena ng
kanilang mga fire truck, ambulansya, at boom truck mula Cagban papuntang Yapak.
Ayon naman kay Boracay Action Group (BAG)
Adviser/Consultant Leonard Tirol, taun-taon nilang ipinagdiriwang ang Fire and
Disaster Consciousness Month sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kumunidad sa
isla na maging maingat sa sunog at anumang sakuna.
Nabatid na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo ang
National Disaster Consciousness Month sa bisa ng Presidential Executive Order
No. 137 bilang tugon ng pamahalaan sa pagpapabuti ng seguridad at kapakanan ng
mga mamamayan.
No comments:
Post a Comment