Posted June 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lumahok ang ibat-ibang restaurant sa bayan ng Kalibo para
sa 19th Kalibo Food and Music Festival na ginanap nitong Miyerkules hanggang sa
Lunes (June 23, 2014).
Ang selebrasyon ay nagtatampok sa mga local cuisine at
musika bilang pagkilala sa kanilang mahal na patron Saint, John the Baptist o
San Juan de Bautista.
Ito ay inorganisa ng municipal government sa
pakikipagtulangan sa Kalibo Ati-Atihan Tourism Council.
Nabatid na nagsimula pa ang nasabing event noong 1995 bilang
“Kalibo Food Festival sa Kalye” na ginaganap sa S. Martelino Street malapit sa Kalibo
Pastrana Park.
Tampok din dito ang masarap na kainan at inuman mula sa mga
kalahok na restaurants at bars habang meron namang banda at disk Jockey na mag
e-entertain sa mga manunuod.
Samantala, ito naman ay ginaganap sa Kalibo Magsaysay
Park kung saan nagsisimula ito alas-singko ng hapon hanggang sa magdamag.
Ang weeklong celebration ay isa rin sa pagpapakita ng pagkakataon
sa tradisyonal sa pagluluto at musika sa mga turista at sa mga bisita na
dumadayo sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment