Posted June 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kaya naman tipid-tipid muna sa paggamit ng bawang ang mga
paluto o ang mga restaurants na tumatanggap ng cocking service.
Katunayan, ayon sa isang kusinero ng cocking service sa
D’Talipapa Boracay, mahigit isang kilo na lang ang bina budget nilang bawang
kumpara noong mura pa ang kilo nito na umaabot sa mahigit dalawang kilo.
Talaga umano kasing kailangan nila ng bawang para sa
kanilang mga nilulutong butter garlic rice, butter garlic shrimps, butter
garlic crabs at iba pang lutong ginigisa, na sadyang patok sa mga turista.
Samantala, kinumpirma din ng ilang whole seller/retailer
sa isla na apektado din ang pagbibenta nila ng bawang sa mga suki nilang
cocking service restaurants.
Wala din umano kasi silang magagawa kungdi ang ibenta ito
ng 15 pesos ang isang buong piraso ng bawang, habang 280 pesos naman ang 1 kilo.
Kaya’t pareho nilang payo sa mga mamimili, hinay-hinay
lang sa paggamit ng bawang lalo pa’t mataas parin ang presyo nito.
Kinumpirma naman ng Department of Agriculture na kaya
nagmahal ang presyo ng bawang dahil sa kakaunting suplay nito mula sa mga local
farmers ng bansa.
No comments:
Post a Comment