Posted June 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.facebook.com |
Tampok sa isasagawang Dayaw Festival ang mga katutobong
Ati sa probinsya ng Aklan.
Ito’y matapos na magkaroon ng pagpupulong ang National
Commission for Culture and the Arts (NCCA), Ati leaders at ang Aklan Province
nitong June 18, 2014 sa Governor's Office Conference Room.
Dito napag-usapan nila na magkaroon ng Dayaw Festival sa probinsya
kung saan ito ay para lamang sa mga nasabing katutubo.
Nabatid naman na ang Dayaw Festival ay isasagawa sa bayan
ng Malay dahil dito umano karamihang makikita ang mataas na numero ng Aklan's
Indigenous People.
Ang nasabing pagpupulong ay pinagunahan mismo nina Gov.
Joeben Miraflores at Congressman Ted Haresco, Jr. bilang pagbibigay halaga sa
mga katutubong Ati.
Napag-alaman na dumarami ang mga Indigenous People sa
probinsya kung saan ay mayroon din silang sariling lugar na makikita sa bayan
ng Malay at ang iba ay nagtratrabaho sa isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment