Posted June 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ganito inilarawan ng mga residente sa bayan ng
Malay ang pagdiriwang ng 65th Malay Foundation Day kahapon.
Ilan kasi sa mga ibinidang aktibidad rito ang
muling pagharurot ng ilang grupo ng mga motorista sa Boracay bilang bahagi rin
ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day.
Nabatid na nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad ang Local
Government Unit ng Malay (LGU) sa ika-12 hanggang sa mismong araw ng Malay Day,
Hunyo a-15.
Nagkaroon din ng Job Fair, Malaynon Marathon at
Thanks Giving Mass bilang bahagi ng nasabing selebrasyon.
Muli ring isinagawa ang Environmental Program sa Hunyo,
kung saan lahat ng municipal employees ay kasali sa seedling at polling
activities.
Samantala, nagpapasalamat naman ang LGU Malay sa
mga nakibahagi at sumuporta sa nasabing selebrasyon.
No comments:
Post a Comment