Posted June 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagsimula na ang pagkuha ng Licensure Exam para sa
mga Massage Therapist sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
Ayon kay Sanitation Inspector III Babylyn Frondoza
ng Malay Health Office (MHO).
Nakasaad kasi sa Memoradum Order 312 Series of 2011
na kailangang kumuha ang lahat ng mga masahista ng lisensya.
Anya, ang nasabing hakbang na ito ay bilang bahagi
din ng pagre-regulate ng Department of Health (DOH) sa mga massage therapist at
para sa proteksyon nila.
Samantala, bukas naman ang opisina ng Local
Government Unit (LGU) Malay para sa mga massage therapist na nais mag-training
upang agad na makakuha ng lisensya.
Bagama’t abala din sa ilan na maituturing ang
pagkuha ng Massage Therapist Licensure Examination, sinabi ng DOH na maganda
rin itong oportunidad para sa kanila na maisaayos ang kanilang kabuhayan.
No comments:
Post a Comment