YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 20, 2014

Lasing na Security Guard, kalaboso matapos nambato ng bote

Posted June 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kalaboso ang inabot ng isang lasing na security guard matapos na mambato ng bote sa isag bar sa Balabag Boracay.

Subali’t nabatid na may tao palang tinamaan at nasugatan sa pambabato ng sekyu.

Nakilala sa police report ang suspek na si Angelo Solano, 30 anyos ng Yapak Boracay, na kaagad dinakip at isinuko ng may-ari ng bar at ng isa pang sekyu.

Ayon sa pagsisiyasat ng mga pulis, alas dyes kagabi nang batuhin ng suspek ang pader ng bar doon sa hindi malamang rason, at tinamaan sa ulo ang 23 anyos na si Mark Joseph Madrino.

Bumanda naman sa isang bar ang nasabing botelya dahilan upang mabasag ang salamin nitong bintana.

Isang 32 anyos na babae rin sa loob ng bar ang aksidenteng natapunan ng mga bubog ng bote na ikinasugat naman nito.

Samantala, nahaharap naman ngayon sa kasong Physical Injury at Malicious Mischief ang lasing na suspek.

No comments:

Post a Comment