Posted June 18, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Nakalutang o nasa floating status parin ang MOA signing
para sa BPAI o Boracay Photographers Association Inc.
Ayon kasi sa opisina ng BTRTF o Boracay Redevelopment
Task Force, may mga barangay pa dito sa isla ang hindi pa nakakapagpirma ng
sulat base sa napagkasunduan sa ipinatawag na pagpupulong nitong nakaraang
Miyerkules.
Ayon pa sa BRTF, nakipag-ugnayan na rin sila sa BPAI
kaugnay sa mga ahensiyang kasali sa MOA na nakapagpirma na sa MOA.
Nabatid na kasali sa nasabing kasunduan ang tatlong
barangay sa isla maliban pa sa BFI o Boracay Foundation Incorporated,
Department of Tourism-Boracay sub office, Municipal Auxiliary Police, at ang
mismong mga taga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency.
Magugunitang isang MOA o memorandum of agreement ang
iminungkahi ng BRTF sa mga taga BPAI upang maestablisa ang isang mabuting
relasyon sa pagitan nila at ng mga photographers na hawak ng nasabing ahensiya.
No comments:
Post a Comment