Posted June 21, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakahanda na umano ang Aklan Police Provincial
Office (APPO) para sa nalalapit na selebrasyon ng kapistahan ni San Juan
Bautista sa probinsya.
Ayon sa APPO, nakatakda silang magpakalat ng mga
pulis sa mga baybayin ng probinsya at makikipag-ugnayan rin umano sa mga kasapi
ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y upang maiwasan ang insidente hindi lamang
tungkol sa pagkalunod kundi pati na rin ng iba’t-ibang klaseng krimen tulad ng
nakawan lalo na sa isla ng Boracay na karaniwang dinadayo ng mga bisita.
Samantala, ang kapistahan ni San Juan Bautista ay ipinagdiriwang
naman tuwing ika-24 ng Hunyo.
Ito’y bilang paggunita sa santong nagbinyag kay
Hesus na sinisimbulo ang "paglilinis" at paghahanda sa pagdating ni
Hesus sa pamamagitan ng pagbinyang gamit ang tubig.
Nabatid na si Juan Bautista ang nag-iisang santo kung
saan ang kaniyang kapanganakan ang ginugunita.
No comments:
Post a Comment