Posted
June 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dismayado ang ilang pasahero sa mabagal na pagdaong ng mga bangka sa
Tambisaan at Tabon Port dahil sa low tide at kaliitan ng daungan.
Halos ilang minuto bago makadaong ang mga bangka dahil kailangan munang
antayin ang ilang bangkang papaalis saka naman sila dumadaong.
Ilan sa mga dismayado rito ay ang may mga trabaho sa isla ng Boracay na
mula pa sa mainland at may hinahabol na oras.
Hiling din ng ilang pasahero na sana ay laparan pa ang mga daungan ng
mga bangka ng sa ganun walang may maantalang pasahero lalo na ang mga turistang
may hinahabol na flights.
Nabatid na ang nasabing biyahe ay inilapat sa Tambisaan at Tabon Port
dahil sa patuloy na nararansang Habagat.
Samantala, patuloy parin ang operasyon ng Caticlan at Cagban Jetty Port
ngunit isang fast craft lang ang pinahihintulang bumiyahe doon dahil sa may
kalakasan pa ang alon.
No comments:
Post a Comment