Posted June 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umaaray na ang mga mamimili sa probinsya ng Aklan dahil
sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bawang sa bansa.
Ayon kay Asst. Provincial Agriculturist Salomi David ng Aklan
Department of Agriculture, umaabot na umano sa mahigit tatlong daan ang bawat
kilo ng bawang ngayon kung saan inaasahan pa nila itong tataas.
Aniya, inaangkat pa ang suplay ng bawang mula sa Maynila
kung kayat apektado din ang presyo nito sa probinsya.
Patuloy din umano ang kanilang isinasagawang weekly
monitoring para malaman ang galaw ng presyo hindi lamang sa bawang kundi maging
sa iba pang produkto.
Sinabi din nito tumaas na rin ang presyo ng luya, bigas
at maging ang ilang groceries na siya namang ikinadismaya ng mga retailers at
consumers.
Kaugnay nito, umapela na rin ang MalacaƱang sa taumbayan
na magtiis-tiis muna sa mataas na presyo ng nasabing produkto dahil wala silang
magagawa para kontrolin ito bunsod nang idinidikta ng “market forces”.
Samantala, ilan pa sa mga nagbabadya ng pagtaas ng mga
presyo ng mga bilihin ay ang karne ng manok, baboy at maging ang mga
pangunahing gulay sa merkado.
No comments:
Post a Comment