Posted June 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Nais umanong dumalo sa assembly meeting kaugnay sa suplay
ng aggregates sa isla ang mga contractors sa Boracay.
Ito ang sinabi ni BMSL o Boracay Malay Sea and Land
Haulers Multi-Purpose Cooperative Chairman Edgar Marasigan Jr., kaugnay sa
kanilang naunsyaming pakikipagdayalogo kay
Aklan Governor Joeben Miraflores.
Plano na naman umano kasi nilang magpatawag muli ng
assembly meeting kung ano ang susunod na hakbang ng kanilang kooperatiba.
Ayon pa kay Marasigan, may mga priority appointments pa
ang gobernador kung kaya’t hindi na naman nai-schedule ang kanilang hiling na
pakikipagdayalogo.
Samantala, sinabi pa ni Marasigan na umaasa parin silang matutuldukan
na ang kanilang problema tungkol sa kakulangan ng suplay ng aggregates sa
Boracay.
Magugunita namang nagdeklara ng moratorium si Aklan Governor
Miraflores sa mga quarrying activities sa probinsya na inalmahan ng nasabing
kooeratiba.
No comments:
Post a Comment