YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 16, 2014

Long beach ng station 1 na apektado ng sand erosion, ininspeksyon na ng DOT

Posted June 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ininspeksyon na ng DOT ang long beach ng station 1 na apektado ng sand erosion.

Kaugnay ito sa muling paglitawan ng mga tinibag na sea wall na ibinaon sa beach front property ng mga station 1 establishment owners.

Ayon kay DOT o Department of Tourism Boracay Officer In Charge Tim Ticar, kailangang magawan ng paraan at mabigyan ng solusyon ang mga naglitawang tipak ng sea wall.

Maliban kasi sa tipak ng sea wall na may bakal pa, naglitawan din ang mga tubo ng tubig ng ilang water company sa isla na naging agaw-pansin sa mga dumadaang turista.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin umano ito sa tanggapan ni Island Administrator Glenn SacapaƱo kaugnay sa mga hakbang na gagawin.

Nabatid na nagkanya-kanya naman sa pag sand bagging ang mga station 1 establishment owners upang mapangalagaan ang kanilang beach front property laban sa sand erosion. 

Mahigit kalahating taon na ang nakakalipas nang ipagiba at ibaon ng Boracay Redevelopment Task Force ang mga nasabing seawall at iba pang illegal structures sa beach front, ngunit muli itong naglitawan.

No comments:

Post a Comment