Posted June 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinag-aaralan pa ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang
resolusyon na nag-aaproba sa application para sa accreditation ng Licensed
Massage Therapist Inc. (PALMT-Boracay.)
Ito’y matapos na nag pababa ang Department of Health (DOH)
ng Memorandum Order 312 Series of 2011 na kailangang kumuha ang lahat ng mga
masahista ng lisensya.
Sa nakaraang SB Session ng Malay nitong Martes tinalakay
rito ang nasabing usapin kung saan kinakailangan umanong ma-regulate ang mga masahista
sa isla.
Nabatid na ito ay ay isang mandatory ng DOH, kung saan
hindi na maaaring makapag masahi ang isang therapist kung wala itong lisensya.
Sa ngayon kinakailangan pa itong pag-aralan ng LGU Malay
kung saan handa naman umano silang suportahan ang nasabing resolusyon para na
rin sa kapakanan ng mga masahista sa Boracay.
Napag-alaman na mahigit dalawang Massage Therapist na
ngayon sa isla ang nakapasa sa isinagawang written examination ng DOH.
No comments:
Post a Comment