Posted June 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ngayon ang mensaheng ipinaabot ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR) Aklan sa publiko kaugnay ng
Environment Month.
Ayon kasi kay Community Environment and Natural
Resources Office o CENRO Boracay Head Jonne Adaniel, ang pagsisiga umano ng mga
plastik ay may malaking naidudulot na pinsala sa kalikasan.
Samantala, sa ginanap na aktibidad ng DENR na
“Lakbay Para Sa Kalikasan” nitong linggo sa bayan ng Kalibo.
Ibinahagi din ni Provincial Environment and Natural
Resources Office (PENRO) Head Ivene Reyes sa publiko ang iba’t-ibang paraan
upang maiwasan ang Climate Change at Global Warming.
Inihalimbawa ng DENR ang nangyaring hindi
pangkaraniwang epekto ng Climate Change sa Afghanistan na matagal nang hindi
nakaranas ng pag-ulan, subalit nakakaranas naman ng matinding pagbaha ngayon.
Ang “Lakbay Para sa Kalikasan” ay isinasagawa ng
DENR bilang bahagi ng selebrasyon para sa Environment Month ngayong buwan ng
Hunyo.
Kasabay ng pagpapahayag ng tema na “Raise Your
Voice, Not the Sea Level”, muling nanawagan ang DENR sa publiko na maging
responsable sa pangangalaga ng kapaligiran.
No comments:
Post a Comment