YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 18, 2014

American national, nag-trespassing sa isang resort sa Boracay

Posted June 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dumulog sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang dalawang security guard ng isang resort sa Balabag Boracay kahapon.

Ito’y matapos na pumasok sa loob ng isang kwarto ng nasabing resort ang Amerikanong si Michael John Barker na gusto umanong mag-overnight doon.

Ayon kasi sa dalawang sekyu, ayaw nang lumabas ng kano at wala rin umano itong ipinapakita na kaukulang dokumento na pwede syang manatili sa nasabing kwarto.

Dahil dito, kaagad na humingi ng tulong sa mga pulis ang mga sekyu upang mapalabas ang nasabing Amerikano.

Sa pamumuno naman ni Deputy Chief PInsp. Fidel Gentallan ng BTAC, napakiusapan ang Amerikano na lumabas ng nasabing kwarto subalit hindi pa rin ito umaalis sa lugar.

Samantala, hindi naman nakasaad sa report ng BTAC kung paano nakapasok doon ang nasabing kano.

No comments:

Post a Comment