Posted June 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isaalang-alang ang katarungan, pagmamahal at tulong
sa mga nangangailangan.
Ito ang mensahe ni Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay sa sinumang papalit na business leader ng pinaslang na si Richard King.
Ito ang mensahe ni Father Nonoy Crisostomo ng Holy Rosary Parish Boracay sa sinumang papalit na business leader ng pinaslang na si Richard King.
Sinabi rin ito ni Crisostomo bilang reaksyon matapos
paslangin si Cebu-based business man Richard King nitong nakaraang Huwebes sa
Davao.
Ayon kay Crisostomo, isa si King sa mga naging
problema ng mga katutubong Ati sa Boracay kaugnay sa pag-ukupa ng lupang
ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
Magkaganon paman, naniniwala umano ito na may
kabutihan ang bawat isa, kung kaya’t sinabi nitong maalala din sana lalo na ng
mga natulungan ni King ang kanyang mga kabutihang nagawa.
Samantala, magugunita namang nasangkot ang pangalan
ni Richard King sa problema sa lupa ng mga katutubong Ati nang umano’y
ipinag-utos nitong gibain ang bakod ng Ati village nitong nakaraang taon ng
2012.
Sa kabila nito, kinumpirma sa isang pahayag ni NCIP
o National Commission on Indigenous Peoples commissioner Dionesia Banua na hindi
kabilang sa iba pang property claimants ng Ati village si Richard King.
No comments:
Post a Comment