YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 20, 2014

Binabahang access road papuntang Boracay PNP, gagawan umano ng paraan ng DPWH Aklan

Posted June 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Gagawan umano ng paraan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Aklan ang problema sa binabahang access road papuntang Boracay PNP.

Ayon kay Engineer Neri Miranda ng DPWH maint
enance section, hindi nila pwedeng galawin ang nasabing road section.

May pondo umano kasi ang LGU Malay para dito kung kaya’t sinabi ni Malay Special Project Officer at ngayo’y Boracay Redevelopment Task Force Technical Head Engineer Arnold Solano na sila na lang ang magdevelop ng nasabing proyekto.

Ayon pa kay Miranda, aalamin pa nito kung sino ang nagpatanggal ng mga bricks doon papuntang police station.

Sa ngayon, maraming mga turista, mga dumadaang trabahador, delivery at maging ang mga establisemyento doon ang umaalma sa perwisyong dulot ng iniwang proyekto.

Maliban kasi sa naiipon ang ulan doon, may mga sirang manhole na rin ang nakatiwangwang na sadyang delikado para sa publiko.

No comments:

Post a Comment