YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 19, 2014

Replenishment Program ng BRTF, “wait and see” muna dahil sa Habagat

Posted June 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM 911 Boracay

Nasa “wait and see” status na muna ngayon ang Replenishment Program ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force dahil sa Habagat.

Ayon kasi sa BRTF, mas makabubuting obserbahan muna ang sitwasyon ng beach front ngayong panahon ng Habagat, lalo pa’t muli na namang tumataas ang lebel ng buhangin.

Magugunitang inilatag ng BRTF sa mga stakeholders ang tungkol sa Beach Replenishment Program, kung saan ipapa-vacuum ang buhangin mula sa dagat pabalik sa bahaging naapektuhan ng scouring.

Magugunita ring sinabi ng BRTF na hindi pa masisimulan ang nakatakdang replenishment program dahil pinagdi-desisyunan pa kung saang specific budget ang gagamitin para dito.

Samantala, abala naman ngayon ang nasabing task force sa pagmonitor sa beach front kaugnay sa napagkasunduang desinyo ng bamboo wave breaker at wind breaker lalo pa’t nagsimula na ang panahon ng Habagat.

No comments:

Post a Comment