Posted June 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dapat umanong masolusyonan na ang mga umaapaw na drainage
system sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni SB Member Floribar Bautisa sa
isinagawang SB Session ng Malay kahapon ng umaga.
Aniya, hindi umano ito maganda sa mata ng mga turista
lalo na at mabaho ang umaapaw na tubig sa nasabing drainage.
Ayon naman kay Barangay League President Abram Sualog,
nakipag-ugnayan na rin umano sila sa Boracay Island Water Company (BIWC) ukol
din sa umaapaw na drainage system sa Brgy. Manoc-manoc.
Dagdag pa Floribar hindi lamang ang mga drainage system
ang problema sa Boracay kung hindi ang mga basura na nagkalat sa daan na minsan
umano’y naiiwang kolektahin ng garbage truck.
No comments:
Post a Comment