Posted June 21, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Inireklamo ng isang grupong turista sa Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang hindi rehistradong island hopping activity sa isla
ng Boracay.
Ito’y matapos silang mabiktima ng isang commissioner kung
saan niyaya silang mag-island hopping sa halagang P3,000.00 para sa labindalawang
katao kabilang na ang registrations, life vest at sampung snorkeling gadgets.
www.boracay-activities.ph |
Ngunit itong nagrereklamong sina Marilyn Santiago,
58-anyos ng Sta. Rosa Nueva Ecija at si Mary Jane Pantaleon ng Cabanatuan City
Nueva Ecija kabilang ang ilan pa nilang kasama ay nagtataka kung bakit limang
snorkeling gadgets lang ang ibinagay sa kanila.
Habang nagpapatuloy naman ang island hopping ay biglang
nagkaroon ng problema ang engine ng bangka kung saan ang boat captain ay nagpasyang
dumaong nalang pabalik.
Dito na rin umano sila nainis at hiningi ang refund ng
hindi natapos na activity dahil sa isat kalahating oras lamang ang kanilang na
consumed.
Nadiskobrehan din ng mga ito na hindi pala properly
registered sa Boracay Island Hopping Association (BIHA) ang island hopping na
kanilang pinagkatiwalaan.
Sa kabilang banda inamin naman nitong si Don-Don Reyes,
34-anyos ng Batan, Aklan na siya’y hindi rehistradong commissioner kung saan
binalik naman nito ang refund na hinihiling ng mga complainant.
Samantala, minabuti naman ng mga ito na idulog sa Lokal
na Pamahalaan ng Malay at sa Department of Tourism (DOT) ang nasabing problema.
No comments:
Post a Comment