Posted June 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nasa 3rd at Final Reading na ng Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang pagbuo ng Aklan Council for the ASEAN Integration
(ACAI) 2015.
Sa ginanap na 20th Regular Session ng SP Aklan, muling
ipinaliwanag ng akda nito na si SP Member Atty. Plaridel Morania na magiging
epekto ng ASEAN Integration ang mas mahusay na produkto, kaunlaran sa industriya,
pinaangat na sistema sa edukasyon, at kahusayan.
Aniya, kailangang mabatid ng publiko ang mga proseso ng
ASEAN Integration 2015 sapagkat sila ang makikinabang dito sa kalaunan.
Samantala, ayon pa kay Morania, ang Department of Trade
and Industry (DTI), sa pamamagitan ng investments promotion arm nito na Board
of Investment (BOI) ay patuloy na dumadaos ng forum sa pakikipagtulungan ng
Department of Education (DepEd) upang talakayin ang K-to-12 Basic Education
Program.
Ito’y isa lamang umano sa layunin ng ASEAN Integration
2015 na bigyang update ang publiko at iba’t ibang stakeholders hinggil sa
Industry Development Road Maps.
Nabatid naman na ang Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN) ay magsasanib-puwersa sa susunod na taon.
No comments:
Post a Comment